Isang malinaw na patunay ng pagmamahal ng Diyos ay ang pagkilos Niya para makapunta ako sa WYC na ‘to.
Nung una palagi kong sinasabi na ilalaban ko yung WYC, pero bago pa magbukas ang registration ang daming nangyari sa buhay ko. To the point na kahit ako mismo, parang ayaw ako na lang din ilaban ang sarili ko for WYC. Pinagdasalan ko ang mga bagay na iyon, kinuwento ko sa Diyos kung ano yung nafefeel ko, kung ano ang postura ng puso ko at yung takot ko na ma-encounter Siya nang walang pag-asang namamagitan sa sarili ko. Pagkatapos nun, binalikan ko kung ilang beses akong inilaban ng Diyos sa maraming pagkakataon, at doon ko napagtanto na ang sakit makita na sa akin mismo nagmumula ang desisyon na huwag nang lumaban, kahit alam kong walang ibang ginawa ang Diyos kundi ipaglaban ako.
Nung time na inilabas ang program para sa WYC, una kong tiningnan at binasa yung title ng tatlong sessions. After a while, I prayed. I took time to talk to God and to listen to Him. The next day, I visited the Adoration Chapel and went to confession. Pagkatapos nito, binalikan ko ulit yung program ng WYC at dun nakita ko kung gaano kaganda yung title ng bawat sessions. Sabi ko sa sarili ko noon, “Lord, kailangan ko ‘to, at mas kailangan Kita.”
Hindi ko alam kung paano sisimulan ang kwento ng encounter namin ng Diyos during WYC. Pero isang bagay ang naging sigurado sa mga karanasan ko: lahat ng kailangan kong marinig ay narinig ko sa loob ng tatlong araw na ’yon, because God allowed me to be there. He restored my hope sa pamamagitan ng WYC na ito. Habang nakikinig sa kwento ng mga taong nagpapatunay kung gaano kabuti ang Diyos, doon ko rin mas naintindihan na hindi madamot ang Diyos, na kailanma’y hindi Siya nagpapabaya. Upon reflecting sa lahat ng nangyari, I realized, buti na lang noong mga panahong hindi ko alam kung saan kukunin ang pag-asa para lumaban, nandoon ang Diyos at matapang na lumalaban para sa akin. Sa WYC na ito, wala nang duda at takot. Natutunan kong bitbitin ang pag-asa mula sa Diyos upang maging pag-asa rin para sa ibang tao.
This congress, isang bagay lang ang itinuro sa akin ng Diyos, ‘yon ay laging sapat ang pag-ibig Niya, dahil pinili ka at karapat-dapat ka. Isang patunay na sa pamamagitan ng awa Niya, may nagdudugtong na pag-asang naka-angkla sa pag-ibig ng Diyos upang ipaglaban ka.
And for that, may God be praised! 🙏🏻