In Uncategorized

Nang maimbitahan ulit kami nila tita at tito na dumalo sa World Youth Congress 2025 sa Nueva Ecija, halo-halo ang naramdaman ko, excited pero may takot. Excited, dahil alam kong magiging life-changing ang event na ito. Pero may takot din, dahil hindi ko alam kung karapat-dapat pa ba akong humarap muli sa Panginoon matapos ang mahabang panahon ng pagiging inactive ng area namin.

Magandang araw, mga kapatid! Ako nga pala si Cedric Geneta mula sa Area ng Bataan. Naging bahagi ako ng community simula pa noong 2019, noong medyo papasok pa lang ang pandemic. Nang tuluyan na itong pumasok, nanatiling active pa rin ang aming area kahit puro virtual ang mga gawain. Pero matapos ang pandemic, unti-unting naging inactive ang area namin. Isa sa mga naging dahilan nito ay ang pagiging abala ng mga ates at kuyas ko sa kanilang college life. Naiintindihan ko naman dahil nasa malalayong lugar na sila nag-aaral at naging busy sa academics. Pero kahit ganun, may parte sa puso ko na nanatiling uhaw sa presensya ng Panginoon.

Habang unti-unting tumahimik ang area namin, sinikap kong hanapin pa rin ang paraan para manatiling connected sa Kanya. Naging active ako sa Chorale, Campus Ministry, at Kalooban ng Diyos group sa school namin. Pero iba pa rin talaga kapag nasa loob ka ng isang MFC community.

Nang makarating kami sa Nueva Ecija para sa WYC 2025, ramdam kong ito na ang pagkakataong matagal nang hinahanap ng puso ko. Nakakatuwa dahil napakaraming tao, at maraming kabataan ang patuloy na naghahanap sa Diyos. Marami pa ring kabataang uhaw sa presensya Niya.

Tunay nga na hindi boring maging banal at Katoliko.

Para sa akin, hindi lang basta event ang WYC 2025, kundi isang paalala ng pangako ng Diyos. Sa bawat talk, worship, at kwentong napakinggan ko, muli kong naramdaman ang init ng Kaniyang pagmamahal. Na-realize ko na ang tunay na pag-asa ay hindi nakabase sa tagal ng pagkawala o sa estado ng buhay natin ngayon, kundi sa pangako Niya na hindi Niya tayo iiwan kailanman.

One of the most unforgettable parts of WYC for me was the Praisefest on Day 2. It truly reminded me that there is always hope in the Lord. Siya ay tapat, at kailanman ay hindi Niya tayo pababayaan. Habang sabay-sabay kaming umaawit at nagpupuri, para bang naalis ng Panginoon ang bigat sa puso ko. Ipinakita Niya sa akin na kahit anong unos ang dumaan sa buhay, basta naka-angkla ako sa Kanya, mananatili akong matatag.

As MFC Youth Bataan returns to mission, may we always stay anchored in Christ and continue to rejoice, endure, and persevere.

Once again, I am Cedric Geneta from Bataan, and my hope will remain because I am Anchored in Christ.
And for that, may God be praised!

#MFCYouthBataan
#kaBATAANniKristo
#WYC2025
#AnchoredInChrist
#HopeAbounds
#LifeLikeNoOther

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search