In Sharing

After WYC, sunod sunod yung mga nangyayari. Nakakapagod, ubusan ng lakas at pera pero walang hanggang ligaya naman lahat ang kapalit. Radikal na radikal talaga. Kung saan saan ako nakapunta at kung ano anong bagay ang naranasan ko sa unang pagkakataon. At nung last Saturday lang, dinala ako ni Lord sa isang lugar na first time ko lang mapuntahan at may mga pinaranas Siyang first time ko lang din ma-experience.

Last Saturday, nasa RV Remarville, Novaliches kami para sa Juan Weekend. Isa itong National event ng No One in Need at sabi first time daw ito. Maraming andoon. May YFLs and SFLs from different districts, staffs ng company, and mga Tito’s and Tita’s.

 

1

 

Nag gather at nag worship muna kami. After ng worship, diniscuss yung mga gagawin. Nagkaron ng groupings and per group, may task na naka assign. Yung napunta samin ay magpintura ng bahay.  Never ko pang na try mag pintura ng bahay kaya nakaka excite talaga. Lalo na’t bahay pa ng ibang tao yung pipinturahan namin nun. Yung iba na assign sa pagtanim ng malunggay, yung iba naman na assign sa pagtayo ng poste at yung iba sa pag build ng relationship sa mga nakatira dun sa community.

Habang turn nung iba na magpipintura, may nakausap akong bata. Kinamusta ko siya. Nalaman ko na bahay pala nila yung una naming pininturahan. Iba yung ngiti nya nung nakita niyang pinipinturahan yung labas nung bahay nila. 🙂

May isang bahay pa kami na pininturahan. Yung mga bata na nakatira doon, simula nung nagpipintura kami hanggang matapos ay nakatingin lang sila.

 

2

 

Tapos meron ding mga nag volunteer na bata na magpintura din. Naghanap talaga sila ng paint brush na magagamit nila para lang makapag pintura din sila. Nakakatuwang tignan, lalo na yung mga bata, habang nagpipintura sila. Yung eagerness nila na tumulong ay sobrang kahanga-hanga. Narealize ko na yung pagtulong, wala talaga sa edad or laki ng katawan eh. Puso lang talaga ang kailangan at wala ng iba. Habang gumagawa din kami, biglang nag offer ng pagkain at inumin yung may ari ng bahay. Never kong naisip na  mangyari yun. Akala ko kasi dati kapag tumulong ka, yung mga ngiti lang nung mga taong tinulungan mo yung kapalit at para sa akin ay sapat na talaga yun. Ang tindi lang. Iba din pala sa pakiramdam kapag nakatanggap ka ng bagay na hindi mo naman talaga ine-expect. Mas naa-appreciate mo to. Nakipaglaro din ako sa ibang bata na nasa kabilang banda. First time kong malaman kung paano laruin yung pogs. Pero nakakalito pa din. Haha.

 

3

 

Kitang kita ko sa community na yun yung pagkakaisa at pagmamahal ng bawat isa. At sobra din silang mapagbigay. Natutunan ko dun sa experience ko nung weekend na yun na kung ano yung kaya mo at kung anong meron ka ay ibahagi mo sa iba. Hindi mo naman kailangang maging mayaman para tumulong at makapagbigay. Ang kailangan mo lang ay puso para sa huli ikaw ay mas lumigaya! Sabi nga, “being rich is not about how much you have, but how much you give. Somehow when you give, you’ll be happier.” At totoo nga. Sobrang saya lang talaga! Bonus na lang yung mga bagay na na-experience ko sa unang pagkakataon. 🙂

 

 

Shared by Nicole Correra, District of Manila

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search