In Uncategorized

Una, noong heartsetting meron kaming session and ang sabi ni ate Desiree “Personal ang Diyos sa buhay natin, kaya gusto Niya na maging handa ang puso natin” at yung mga nagiging session at title ng WYC nagkakatotoo talaga. Hindi ako noon naniwala agad kasi hindi ko pa alam kung totoo o hindi.

Hanggang sa nagbibiyahe na kami papuntang Nueva Ecija, marami na akong nararamdaman na bigat, hindi ko alam kung tutuloy pa ako kasi may hadlang na pumipigil sa akin, hindi ko maiwasan na umiyak, hanggang sa nakarating na kami sa venue may bigat parin pero may excitement din sa puso dahil dito ako dinala ng Diyos at first time ko din po maka-attend ng World Youth Congress.

Habang nagwo-worship noong day 1, hindi ko napigilang umiyak at inalay ko ang lahat sa Diyos. Oo may pangamba akong nararamdaman pero hindi iyon naging hadlang para hindi ko ipagpatuloy at hanapin ang Diyos dito. Totoo nga ang sinabi ng ate namin dun sa heartsetting session dahil sobra akong naka-relate sa mga sessions dahil ganoon din yung mga nararamdaman ko, oo nadapa ako, bumitaw at sumuko pero hindi ko namalayan na may plano pala ang Diyos para sa akin.

My WYC experience is unforgettable, maraming pinarealize ang Diyos sa akin gusto niya magbalik -tanaw ako. Akala ko lahat ng sakit ay hindi na maghihilom pero nagkamali ako lahat ng mga nararamdaman ko sa family ko at sa sarili ko, ‘yung sakit na iyon, ang gamot pala ang Diyos kaya patuloy ako nanalig sa kanya at yung pagasa na sa umpisa marami na ako tinanggihan sa mga invites sa akin pero may isang tao na hindi tumigil na magdasal para lang makapunta at ipa-experience sa akin ang WYC na ito.

Sa lahat ng mga pagsubok, sakit at doubts ko sa buhay, may isang tao na nag remind sa akin na manatili maging Anchored in Him. PInili kong tumugon sa Kaniyang imbitasyon at dito ko naramdaman na unti-unti akong naghihilom. Dahil kung para sa Diyos ay para sa Diyos kaya mas inuna ko yung sinasabi ng puso ko, sinantabi ko lahat ng mga masasakit na bagay at isinuko ko sa Diyos ang lahat.

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search