In Sharing

Hindi ko alam kung pano i-describe yung SHOUT for me this year. Hindi naman naging sobrang weird or kakaiba. Pero may something na hindi ko ma-pinpoint exactly.

For one thing, ito yung first SHOUT na na-late ako. What started for most of the participants on Monday, started for me on Wednesday. Dalawang araw na wala ako. Dalawang session agad na-miss ko. Ilang meals ang na-miss ko (including ang mahiwagang lechong kawali ng Campus brothers). At idagdag na rin sa listahan ang ilang worship sessions at bonding moments. Dagdag pa rito yung may summer class ako. Struggle na aalis ng 8am para nasa school ng 10am. May class hanggang 5. Tapos uuwi at makakarating sa bahay ng mga 6:30 or 7pm (pero siyempre alam kong mas mahirap situation ng iba). But you miss a lot. Yung mga workshops. Kahit yung simplengs house chores na kailangan gawin kasama mga brothers mo. Parang kulang yung SHOUT experience ko. To a certain extent, hindi ko marinig yung boses ni Lord at kung ano gusto Niyang sabihin sakin.

 

The Campus Presidents and Executive Vice Presidents.

 

Pero sabi nga, look for God in everything. He may speak to you in ways unknown to you. He may be in places you do not expect.

Isang way siguro kung san kinausap ako ni Lord ay sa one to ones naming ni Kuya James. Isang aspect lang yung nakwento ko sa kanya, sobrang dami yung messages sakin ni Lord. Pinaka-striking na sinabi sakin ni Kuya James:

Baka mas nakinig ka sa sarili mo. Baka mas nakinig ka sa mga gusto mong mangyari, sa mga plano mo. Baka nakalimutan mong makinig sa Diyos. (Non-verbatim)

Baka ganun nga ang nangyari sakin. I forgot to listen. Maybe because of the fear. Maybe because of the uncertainty. Baka sobrang hindi ko alam kung anong mangyayari o anong gagawin ko, tinakpan ko na lang tenga ko. Baka dahil dun di ko marinig si Lord. At baka dahil di ko marinig si Lord, nakinig na lang ako sa sarili ko. Siguro kasi naging proud ko. Mas nagtiwala ako sa sarili ko na kaya ko gawin yung mga bagay para maging steady yung bangka ko. Pero hindi ko nagagawa. Sabi rin ni Kuya James na baka may reason kung bakit ang unang session ko sa SHOUT was Mark of Discipleship. Ang bottom line ng lahat sa session nay un was Luke 9:23.

And he said to them all, “If any man will come after me, let him deny himself, take up his cross daily, and follow me.”

Kailangan kong i-deny yung sarili ko. Yung dreams and wants ko. I was reminded na mas maganda yung plano ng Diyos para sakin. Siyempre, hindi ko makita sa ngayon. Pero na-prove naman sakin ilang beses na. Na sundan at magtiwala lang sa plano Niya, umaapaw pa yung blessings na ibibigay Niya sayo. Mabigat man ang mga cross ko na bubuhatin ko, hindi Niya ako pababayaan. My own human strength may fail, but I know that His strength never will. His strength is what is coursing through my veins. His strength is what will allow me to wake up each morning, walk out my door with my crosses in tow, and follow Him.

Two days, after nag-usap kami ni Josh. Same lang ang kwinento ko sa kanya. Same aspect as yung kinwento ko kay Kuya James. Pero ang mga sinabi niya, like sa mga sinabi ni Kuya James, siguro ay ang mga messages sakin ni Lord. Yung isang sinabi ni Josh hit home.

Do whatever will bring you peace. (Non-verbatim)

It applies to more than just yung kwento ko kay Josh. I have to make peace with several issues in my life. More than doing these things, it’s also about asking the Lord for peace. Dasal ko na i-lead Niya ako sa mga bagay at gawain na magbibigay ng peace sa puso ko. Binabagyo man puso ko sa bigat ng pinagdadaanan ko, there is no storm that the Lord cannot calm. Marami man ang bagyong darating, again, there is no storm that the Lord cannot calm.

Naalala ko nung Friday, may balak maglaro ng basketball ang Campus brothers at ang PasAnCu brothers. Pero may pasok ako. 4pm daw start nila. Class ko hanggang 5pm. May travel time pa. Pag akyat ko sa MRT station sa Quezon Avenue, ang haba ng pila. Pagdating ko sa Pasig, ang traffic. Kahit atat na atat ako maglaro ng basketball, it didn’t seem like I was going to. Habang nasa jeep, may binulong sakin si Lord.

Chris, alam mo naman na hindi madali ang trabaho na pinapagawa Ko sayo. Mauubos ang oras mo, ang lakas mo, ang pasensya mo. Hindi mo man magagawa parati ngayon ang mga gusto mong gawin, alam Kong alam mo na mas sasaya ka sa mga gusto Kong gawin mo.

Naisip ko, hindi naman ako uuwi para lang mag-basketball. Uuwi ako kasi nasa SHOUT ako. Uuwi ako para makasama ko mga brothers ko. Naisip ko na, mauubos nga oras, lakas at pasensya ko. Yung tipong ubos na nga lakas mo, pero ubos naman oras mo at walang time para magpahinga (masyado). Pero nakakatawa rin si Lord kung minsan.

Anak, ubos man lahat ng oras, lakas, at pasensya mo, mahal pa rin kita. At ibibigay Ko pa rin ang gusto mo.

Low and behold, nakapaglaro pa rin ako ng basketball kahit papano. Iba Ka, Lord.

 

The Campus Brothers together with their Love Forum speakers, Kuya Cocoi and Ate Gay Javier.

 

Come Parents’ Night, na-excite ako kasi makakasama si Mommy. Sakto kasi umuwi siya galing Ilo-ilo, ta’s makakapunta pa siya. Naisip ko, radikal din si Mommy. Pero towards the end, umatake migraine ni Mommy. Sa gitna nung ending worship, kailangan lumabas si Mommy. At nag-decide siya na umuwi na kami. Nalungkot ako kasi uuwi na hindi natapos yung event, sa gitna ng worship pa umalis, at marami pang mamimiss after. Pero bumulong ulit sakin si Lord.

Alagaan mo nanay mo. Mahalin mo siya. Mas mahalin mo siya. Mas mahalin mo sila ng tatay mo.

It’s a simple reminder. Pero mahirap gawin. Mahirap talaga magmahal ng mga tao sa paligid. Pwede naman ako mainis na kailangan naming umalis ng maaga. But when you choose to love, it may not become easier. But it becomes worth it. Nung inaalalayan ko si Mommy from Layforce hanggang sa gate, pwede naman ako mainis at nakasimangot lang the whole time. Pero way yun ni Lord siguro para ipaalala sakin na mahal ako ng magulang ko at mahal ko sila. At kailangan mas mahalin ko sila. Sa totoo lang, nakaka-miss na ganun kaming kalapit ni Mommy. Naalala ko yung times nung bata ako ta’s yakap niya ako o hawak niya kamay ko. We tend to take certain things for granted. So I’d like to say thank You, Lord, for my bonding with Mom. May bonus pa at nag-Mcdo pa kami.

I was affirmed of many things the past few days. From the WYC to Holy Week and now to SHOUT, I think I know what God’s message to me is.

Kailangan mong panindigan lahat ng gagawin at sasabihin mo.

Inaffirm ako ni Josh sa sinabi niya.

Live out our theme for this year. Maging radikal ka. (Non-verbatim)

Kung tutuusin, para panindigan ko lahat ng gagawin at sasabihin ko, kailangan maging radikal. Kailangan maging matapang. You can’t waver in your stand or in your faith. Kailangan maging matatag. And that goes for everything that you say and do. Kailangan magmahal ka ng radikal. Over the course of SHOUT, ilang beses kinanta ang One Thing Remains. I guess yun yung panghahawakan ng mga tao sa puso nila. We will be radical for the Lord because He is radical for us.

His love never fails. It never gives up. It never runs out.

That is radical love. My prayer is that we strive to be radically in love with the Lord. And that we radically love like the Lord.

 

 

Shared by Chris Deatras, University of the Philippines – Diliman, Campus-based

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search