Si Hesus, si Hesus na hindi nagbago
Si Hesus na nanatili sa piling ko
Si Hesus na nariyan palagi
Si Hesus na sayo ay pipili.
Sa dami ng pagsubok sa aking buhay
Sa simula palang tila saki’y may pumipigil
Tila apoy na daan ang aking binabaybay
Sa dami ng problema’t pagsubok na di mapigil
O Panginoong Hesus, nanatili ka sa akin
Hindi lang ako, kundi marami kami
Marami kaming isinama mo sa Quezon Province
Upang mas maramdaman ang tunay na pag-ibig
O Hesus, Ikaw ang aking kahapon
Sinubok man ako ng maraming problema
Nanatili ka sa akin hanggang sa umaga
At alam kong tama ang aking naging desisiyon
Desisiyong sumama sa WYC sa kabila ng lahat
Sa kabila ng lahat ako’y iyong sinamahan
At tanging bukang bibig ko ay Panginoong Salamat
Salamat dahil hindi mo ako iniwan at pinabayaan
Sa loob ng tatlong araw na WYC
Kasama ko ang ibang kabataan na patuloy mong ginagabayan
Sa dami ng hamon sa aming buhay nanatili kang tanan
At anuman ang mangyari mananatili ka magpakailan pa man
Ikaw ang aming ilaw sa madilim at masukal na daan
Ikaw Hesus ang aming kahapon, ngayon at magpakailanman
At kami ay mananatiling tapat at sa iyo lang manananahan
Anuman ang mangyari Ikaw ay aming pagkakatiwalaan
Palagi…
ABOUT THE AUTHOR
A poem written by Candy Castillo of MFC Youth Palawan.

