In Sharing

“The Lord is always with us and HE is truly faithful”

Mas naging masaya ang experience ko sa SHOUT this year! Pangalawang beses ko palang nakaexperience ng SHOUT and expected ko na magkahiwalay ang SHOUT houses ng brothers at sisters. Ineexpect ko na kasama ko ang mga ka-brothers ko from our district pero iba pala ang plano ni Lord. Buong High School team kaming nasa loob ng isang SHOUT house. Nung una ineexpect ko na magiging tahimik yung buong SHOUT experience ko, pero napakagaling talaga ng Diyos. Sa buong linggo naming magkakasama may mga times na medyo tahimik kami, pero mas maraming beses kaming nag-ngitian, naghalakhakan at nagtawanan. Tuwing kakain na kami, nauubos ang oras namin sa kakatawa. Mas naging close kaming team, mas nakilala namin ang bawat isa, at mas napamahal kami sa bawat isa.
935167_10151480017923644_1329852146_n
Isa sa pinakamasayang experience ko sa SHOUT ay yung “washing of the feet.” Kakaiba ngayong taon kasi may bonus si LORD, nahugasan ko yung paa ng kapatid ko (Kyra Lacuata) na ka-partner ko din sa service sa High School based at napagdasal din namin ang bawat isa. Sobrang saya nun kasi first time kong ma-pray over ang aking kapatid. Mas  naparealize sakin ni Lord ang importansya ng kapatid at ng pamilya.
Ngayong SHOUT mas sapul at mas nakarelate ako sa mga talks at workshops. Mas narealized ko na marami pa palang dapat trabahuhin ng isang High School Area Servant. Dapat mas maayos ko pa ng lubos yung loob ko, yung buong pagkatao ko. Ang dami pang kabataan na naghahanap ng tunay na pagmamahal at ang Panginoon lang ang makakapagpatunay ng pagmamahal na iyon. Sobrang dami pang High School students ang gustong mapakitaan ni Lord ng kanyang galing at pagmamahal sa kanya kanya nilang eskwelahan.
With faith, we will forge new generation of young believers!
By Jerick Lacuata, District of Pasig (High School-based Program)
Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search