In Sharing

With Faith We Will Set The World on Fire. Yan ang salubong ng stage sa akin pagdating ko ng venue. Nung mga sandali na yun nae-excite ako ng sobra kung paano na naman babaguhin ni Lord ang buhay ko sa tatlong araw namin sa Lucban.

Naalala ko nung first night, ‘yung moment na mag-uumpisa na yung event, nasa PEL (Boys Accomodations) ako nung mga moment na yun, mula sa malayo ko lang naririnig ang mga sigaw at hiyaw ng mga kabataang excited na excited sa pagmamahal ng Diyos, ang mga ilaw na humahati ng ulap sa naglalakihang mga spotlights at ang tunog ng banda na halos radyo na sa buong paligid ng Lucban. Nung mga sandali na yun nagkakabit kami ng mga ilaw sa PEL dahil sobrang dilim talaga dun sa gabi, at dahil isa akong typical na kabataan dumating talaga sa punto na natatakot na ako sa kadiliman ng lugar.
Pero isa lang ang sinabi sa akin ng Panginoon nung YFL Con na maging matapang at ibigay lang ang buong tiwala sa Kanya na ang simpleng kadiliman ay hinding hindi makakahadlang sa Pagmamahal na meron Ako sayo. Kahit gaano pa man kadilim ang paligid mo ngayon Ako ang magliliwanag Sa iyo at gagamitin kita upang magliwanag din ang mga tao nasa paligid mo. Dadating ang panahon na kahit gabi, maliwanag, dahil ang pagmamahal ng Diyos nagliliwanag at kung hahayaan mo lang Siya na gumalaw sa buhay mo sigurado na ang buhay mo ay magiging makulay.
With FAITH we will set the world on fire and the fire within us will WORK in miracles and will work in WONDERS. FAITH WORKS WONDERS. God bless.
By Kuya Jerome Bantang, District of Paranaque
YFL Mission Volunteer
Recent Posts
Comments
pingbacks / trackbacks

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search