In Sharing, South Luzon

My first yet meaningful Shout experience. Totoong hindi hadlang ang pagiging bata para paglingkuran siya. 17 years old po ako ngayon at tinawag po akong maging Cluster servant. Nung sinabi po sakin yon nag-doubt agad ako madaming akong tanong (Kaya ko ba? Dapat ba ako yung nandito? Bakit ako marami namang iba) Isa pa eh hindi po part ng community yung parents ko kaya mahirap kahit ilang beses kong ipaliwanag sa kanila yung mga ginagawa natin sa community.

 

The brothers and sisters of Cavite district with Kuya Dylan Reyes.

The brothers and sisters of Cavite district with Kuya Dylan Reyes.

 

Challenge talaga samin ng partner ko ngayon sa cluster kase parehas kaming bago at bata. Hindi namin alam kung anong gagawin, paano sisimulan. Kaya pumunta ako sa shout pero ng hindi alam kung ano ba mangyayari. Ang alam ko lang excited ako to be with my fellow servants sa cavite at the same time marami akong matututunan.

Sobrang tumatak talaga yung first session “Chosen Few” at yung last “For the Sake of the Call”. Yung mga tanong ko bago ako pumunta sa shout nasagot lahat at mas pinaganda pa dun sa session. Alam kong may rason ang Diyos kung bakit kami yung nandito at kasama to sa plano niyang paglingkuran ko yung area na binigay niya sakin. At totoong bago ka niya isabak sa laban, niready ka niya para makaya mo yung ibibigay niya.

 

Yedda Alfonso

Alam kong pagkatapos ng shout at pagbalik namin sa mga area namin simula ng radikal na pakikipaglaban. Masaya rin ako na kasama ko yung bagong Cavite District Core sa pagtanggap sa misyong bigay ng Diyos. Totoong kapag sa Diyos ka sumugal, siguradong panalo ka. At kapag hinayaan mo na siya yung gumalaw sa buhay mo at gamitin ka niya magiging maayos ang lahat .

Shared by Yedda Alfonso
District of Cavite

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search