In Sharing, South Luzon

Maraming sorpresa ang Panginoon. Never kong inakala na magiging part ako ng District core ng Cavite. Pero magaling ang Diyos. Marami siyang pinarealize sakin at naging magaling siya sa paggalaw sa buhay ko. Nung shout, sobrang tumatak sakin yung talk 4, call to humility. Bilang tao, hindi mawawala satin na gustuhing mahalin at makilala. Pero, nung talk nay un, pinaalala lang sakin ulit ni Lord na siya ang bida, hindi ako. “I should decrease and He should increase” ang paulit-ulit kong dasal noon at patuloy ko lang ipapaalala sa sarili ko ‘yun saan man ako mapunta.

 

cavite 2

 

Nung last day, never kong makakalimutan ang Evangelistic Sensitivity workshop. Pinaalala lang ulit sa akin ni Lord na wag ko lang ikulong ang mga kwento kong tungkol sa Kanya sa community, na mas kailangan ng tao sa labas. Tinuruan Niya rin akong lumabas sa nakasanayan ko, na kumausap ng taong di ko naman talaga kilala, na kalimutan ang iniisip kong hindi ko kaya, kasi kaya ko naman talaga. Masarap ipahayag sa iba kung gaano sila kamahal ng Panginoon through sharing my personal testimony and telling them that they are loved. Sa ngayon, marami akong uncertainties. Hindi ko alam yung mga maaaring mangyari, pero naniniwala akong basta’t magpagamit lang ako kay Lord, lahat ng laban, maipapanalo.

 

cavite1

 

Hindi mo kailangang maging ang pinakamagaling o ang pinakamatalino o ang pinakatalentado para tawagin bilang servant. Wala sa kakayahan yun, nasa puso. Puso ang sukatan.

Shared by Khaye Hojas
District of Cavite

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search