In Sharing

Before YFL Con, maraming bagay akong iniisip sa OJT ko. Kasi wala pa akong mapapasukan. Y’ung week ng April 1, todo hanap ako ng pwedeng ma-applyan. Nag-apply ako sa BPI, SMDC, at tsaka sa Robinsons. Sobrang bothered na talaga ako kasi pag nag -oonline ako sa facebook, twitter, at instagram, nakikita ko [ang] mga posts ng blockmates ko na nakapagstart na sila ng OJT, ganito ganyan. Nakakapressure din kasi sila nakapagstart na makapag OJT na, tapos ako wala pa, nga nga parin ako sa bahay. Kaya dumating ako sa point na nag-doubt ako sa sarili ko kung pupunta pa ba ako ng YFL Con; knowing na bayad na ako sa lahat ng expenses na kelangang bayaran. Kasi gusto kong antayin kung tatawag ba yung mga companies na pinag-applyan ko. Dumaan na ang Tuesday, Wednesday, at Thursday pero wala pa ring tumatawag. So yung feeling ko talaga is super down ako kasi di ko na talaga alam kung saan ako papasok for OJT. Though yung best friend ko, lagi akong kinakamusta kung meron na daw ba akong OJT, kung meron na daw ba akong mapapasukan. So sabi ko sa kanya, wala pa. Tapos sabi niya na dun na lang daw ako sa DOLE-BLR mag OJT. Dun kasi siya pumapasok for OJT that time. Tapos sabi ko nalang muna sa kanya na pag-iisipan ko muna kasi gusto ko munang antayin yung tawag nung mga companies na pinag-applyan ko. Nung Thursday, sinabi ko nalang sa sarili ko na aattend ako ng YFL Con at dun ko mag-discern kung saan ba talaga ako papasok for OJT.

521711_615761985117811_616386504_n

Bea (R), together with her kuya and the District of Novaliches

So dumating na kami sa Lucban. Before kami pumunta sa mismong venue, dumaan muna kami sa Kamay ni Hesus. Tapos nag-lunch kami sa mismong venue na. Dumating na yung first night, nag-talk na si Ate Joy about faith. Nasabi ni Ate Joy sa talk niya na faith is a gift, faith is a response, and faith is our life. Sobrang na-affirm talaga ako that night na sinagot ni Lord yung dasal ko. That night, tinext ko si Rona, yung best friend ko na dun na ako sa DOLE-BLR mag-OJT. And praise God kasi napatunayan ko na faith really works wonders. Sinasabi sa akin ni Lord na lagi lang ako magtitiwala sa kanya at sa mga plano niya sa buhay ko. Napatunayan ko din na mahal ako ni Lord kasi binago ni Lord yung plano ko para sa sarili ko na gusto kong pumasok sa SMDC or San Miguel or sa Robinsons or sa BPI. Ang gusto ni Lord ay yung magtiwala lang ako sa plano niya. At ang plano niya para sa akin ay mag-start ako mag-OJT sa DOLE-BLR.

Bea, serving at the High School-based Program Booth at the YFL Conference.

And praise God kasi nung April 8, nakapagstart na ako ng OJT ko. Nag eenjoy ako sa mga ginagawa ko at sa mga kasama ko din. Mababait din yung mga supervisors namin and halos everyday kaming may free food or merienda galing sa kanila. Pinapataba kami dun at alagang-alaga talaga kami dun. Sinabi lang sa akin ni Lord na “Magtiwala ka lang sa akin. Ako ang bahala sa iyo. Sagot kita.” Very affirming yung experience ko sa YFL Con kasi pinatunayan ni Lord na sa mga oras na pakiramdam mo walang-wala ka na. Or minsan naman ay pakiramdam mong ubos ka na, nandyan lang siya palagi para sayo para punuan ang buhay natin ng pagmamahal.

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search