In Sharing

Madaling magsilbi sa pamilya natin, sa mga kaibigan natin, sa mga mahal natin sa buhay. Nung nalaman kong magmimisyon ako sa Palawan, naunahan ako ng tuwa. Sobrang excited ko lang kasi matagal ko nang pangarap ang Palawan. Pero pagdating ko dun, andami ko ng tanong sa isip. Kaya ko ba to? Baka magkasakit lang ako? Paano pag ayaw nila sa amin? Paano ko pagsisilbihan ang mga taong ngayon ko lang makikilala at di ko pa maintindihan magsalita? Andaming hirap sa misyon na ito. Pero isa lang ang sagot sa akin ni God. Ang magmahal. Akala ko yun na. Pero hindi din pala madaling magmahal.

Pagdating namin dun, nakakagulat pero minahal lang kami ng mga tao dun. Kung pinagsibiihan namin sila sa pamamagitan ng pagsasagawa ng trainings at youth camp at pagbibigay ng mga talks, pinagsilbihan nila kami sa paraang kaya nila. Pinakain kami, binigyan ng maayos na higaan, pinag-igib ng tubig. Yung mga nanay na di naman nakaka-angat sa buhay, nagtulong tulong para mapakain kami [at mga participants ng camp] ng 3 araw. Di ko na magawang humindi at magreklamo pa kahit sa likod ng utak ko iniisip ko na kung tutubuan na ba ako ng kaliskis.

Sa sampung araw na hindi ko nakasama ang pamilya ko, pinagkalooban ako ng Diyos ng mga ikalawang pamilya sa katauhan ng mga nakasama ko sa pagmimisyon, mga couple coords na nagpatuloy sa amin sa Coron at mga pamilyang tumanggap sa amin sa Linapacan island. Inalis ng Diyos lahat ng takot ko sa buhay. Pinuno niya lang ang puso ko ng pagmamahal.

At ngayong nagtapos na ang aming pagmimisyon, balik na sa dating gawi, kailangan na ulit harapin ang mga bagay na pansamantala kong iniwan. Oras na para pagsilbihan ang area namin at ang pamilya ko at siguro maghanap ng trabaho. Baon ko lang lahat ng natutunan ko sa Palawan at ang pag-asa na sana kayo rin maranas ang kasiyahan ng pagmamahal at pagsisisilbi sa iba na naranasan ko.

Oras na para iapply ko sa sarili lahat ng pinagsasabi ko sa kabataan ng Palawan sa mga talks na binigay namin. 😉

Shared by Mikee Zantua, District of Imus

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search