First time kong naging part ng service team ngayong DYC2014. Bago ang DYC2014 GAOR, nakaramdam ako ng napagod, puyat at sobrang naging negative ako sa daming gawain, lalo na yung mga gawain sa school na sumabay pa na nagkaroon ng problema. Pero pinarealize sa akin ni Lord na di lang ako yung nahirapan at napagod. Nakita ko ang bawat isa lalo na ang service team na nahirapan at napagod din. Ang iba may exam pa pero lahat sila ay may lakas pa din para magserve para sa event ni Kristo. Nakita ko din yung mga YFL members at non-YFL members ng vicariate namin na nasiyahan at punong puno ng pagmamahal ng Diyos nang araw ng DYC2014. At doon ko naramdaman na sobra pala akong nablessed ni Lord, kasi alam na alam at damang dama ko na, na di lang ako yung mag-isang lumalaban na madami kaming lumalaban para kay Kristo kasi una kaming minahal ni Kristo. Sabi nga sa Praise Fest noong DYC2014 “si Kristo di lang nagpapako, marunong din siyang tumupad ng pangako”. Mas mahirap pa yung pagdadaanan ko pero pag dating kay Kristo hindi ako hihindi kasi mahal niya ako at gusto niya akong gumaor para sa kanya, hindi ako matatakot kasi ngayon I’m part of God’s Army of Revolutionaries!
Shared by Melvin Balmes
District of Batangas