In No One In Need, Sharing

Five years na ‘kong nagseserve sa community. This year, the Lord called me to serve and to be with a new family, a new area. Noong una, nakakatakot kasi hindi ko alam kung anu-ano yung mga bagay na ipagagawa sa’kin ng Diyos sa area na ito. Akala ko, sa mga households, chapter at cluster assemblies, meetings at sa pagiging ate sa cluster na lang iikot ang service ko. Pero along the way, pina-realize sa akin ng Diyos na: “Wait, there’s more.

Hanggang sa nainvite kami magsupport sa programs ng No One In Need Movement sa Bistekville I. Hindi ako aware sa mga programs na ito at iyon ang naging dahilan para ma-excite akong gawin ito at sumuporta dito. Alam ko na sa pagkakataong ito, pati ako, matututo.

 

DSC_0335

 

We had our first “Usapang Bata” and “Usapang Kabataan” last month. It is really a wonderful experience to serve for the kids and youths outside the YFL community. Nakaka-excite makita ang magandang plano ng Diyos para sa kanila. Takbo dito, takbo doon, makukulit at maiingay na mga bata, pero nakakawala ng pagod ang napakarami nilang kwento tungkol sa mga buhay nila at kung paano nila binibida ang kanilang masayang pamilya. Mataas na pangarap din ang narinig ko mula sa mga batang may murang edad. Nakakatuwang makita na naging masaya sila na dumating ang ganitong pagkakataon sa kanila. Iba nga talaga ang saya na naibibigay ng mga bata. Iba naman ang naging experience ko nung mga kabataan na ang mga kaharap ko. Hindi gaya ng mga bata, mas independent sila at mas kailangang bigyang ng effort para makuha ang loob at magparticipate. Pero totoong totoo na walang hindi kayang abutin ang matinding pagmamahal ng Diyos. Naramdaman ko ang saya at nakita ko ang kanila pananabik sa mga ganitong klaseng activities, malayo sa madalas nilang ginagawa at pinagkakaabalahan. Nakipaglaro at nakipagkwentuhan din kami sa kanila. Malalim silang tao at gaya rin ng mga bata doon, mataas din ang mga pangarap nila hindi lang para sa sarili nila pero higit lalo para sa pamilya nila. It is truly an extraordinary and one of a kind experience.

 

DSC_0181

 

DSC_0238

 

Isa sa mga bagay na sigurado akong babalik-balikan ko sa lugar na iyon ay ‘yong mga ngiti at tawa ng mga bata at kabataan na nakilala ko doon. Natutunan kong marami pa ngang tao ang naghahanap kay Kristo, dahilang binigay pa sa akin ng Diyos para ipagpatuloy na ipakilala Siya sa iba pang tao. Tinawag ako ng Diyos dito para maging isang kapatid at kaibigan sa kanila. Ito yung pagkakataong palagi kong ipagpapasalamat sa Panginoon. Totoo na ang pagiging bata at kabataan ang isa sa pinakamasayang parte ng buhay. Ramdam na ramdam ko ito. Ito yung kasiyahan na paulit-ulit kong pipiliin na ibahagi sa iba. Ang buhay na kasama ang Diyos ay ang buhay na hinding-hindi ko ipagpapalit.

Shared by Mikee Natividad
District of Novaliches

Recommended Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search