In Sharing

Hindi ako makapili ng isang experience. Yung buong WYC ay naging RADIKAL NA RADIKAL para sa akin. This time hindi lang siya naging radikal dahil sa talks, workshops, daily Mass, worships at realizations. Praise God for the gift of Worship! Thanks be to God for the gift of Faith.

 

966558_845002625514651_4353488539803137433_o

 

 

Yes, Nasa Year of Laity tayo ngayon, at sa WYC natin tinatawag tayong maging RADIKAL. first night naging ayos na ayos ang lahat sa WYC, nagkaroon lang ako ng kaunting struggle sa sariling katawan. Second day to second night. Ito yung buong araw na radikalan. Inaraw, Inambon, Inulan, nadelay ang food, umalis kaming St. Anne Cluster girls sa venue at pumunta sa aming Tita/coords dahil gutom na gutom na at pagkabalik sa venue di na namin nasimulan yung talk 2. Lahat ng nangyaring ito tinatawag ako, tayo ng Diyos para maging RADIKAL sa pagmamahal. Sa pagiging Radikal sa atin ng Diyos hindi Niya tayo pinabayaan sa panahong walang wala na tayong lahat nung WYC, nadelay ang program, maputik at mabasang venue. Ito yung visual na makikita natin pero higit pa sa visual yung pagpapadama sa atin ng pagmamahal ng Diyos. Higit sa visual na makikita mong nagwoworship ang lahat sa bleachers, nagwoworship nung 1st night kahit medyo maulan, nagwoworship nung 3rd day na buong buo ang pusong radikal sa Diyos. Higit sa [mga bagay] na to ay ang pusong Joyful at pusong Radical sa bawat plano ng Diyos sa buhay. Walang wala ang anumang bagay na makakapigil sa pusong Radikal. Pusong Radikal na nag-ugat sa Diyos ko, magiging sanga ako ng pusong ito at magbubunga pagkababa ko ng bundok na ito. Ito ang aking Radikal experience. To God be the glory!

Shared by Glocielle Molabola, District of Pasig

Recommended Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search