In Sharing

Praise the Lord for an amazing experience that he brought to us CFCYFL! Truly, the Lord is really great in our lives. Second day na ang inabutan sa YFL Conference dahil may classes ako ng Friday but this time umagang umaga palang ay nasusubukan na ang aking Pananampalataya. Nabalitaan ko sa mga kasama ko sa District of Manila na nawawalan kami ng food stubs almost twenty-six(26)food stubs ang nawawala. At 15 lang ang natira kay Brother Ezekiel na nakolekta nya sa mga members. Alam na alam namin na very strict ang food committee ng YFL Con dahil pag walang stubs walang pagkain. Napaisip ako na kawawa naman yung mga members namin kung ganun. So nag-umpisa na kaming maghanap sa mga IDs namin. Simula palang napaisip na ako bakit nangyayari ito Lord? Nakarating na ako sa YFL Con problema kaagad ang haharapin ko. Inaasahan ko kasi na itong weekend na ito is going to be a smooth discernment experience para sa akin. I was thinking of taking my service to another level and even before the weekend I’m really asking the Lord for guidance and always reflecting about it. Pero ang ganda talaga ng timing at plano niya para sa atin. Simulang-simula palang ng YFL Con, pinapatunayan na niya na dapat akong magtiwala sa kanya sa lahat ng mangyayari sa buhay ko.

Nang mawalan kami ng pag-asang makita yung mga food stubs, sinubukan naming bumalik ng PEL para hanapin sa kwarto yung mga stubs. We started to talk to each other, “Kuya, bakit ganito?” Nagtatanong na yung mga brothers sa akin, ang sabi ko nalang sa kanila, “Brothers ganyan talaga, testing of faith natin ito. Year of Faith, di ba? Faith ang topic, di ba?” And out of nowhere nasabi ko ng malakas yung iiniisip ko, “Lord nandito na kami. Ano ba ito, alam ko Lord na dadalhin nyo sa amin yung mga food stubs na nawawala. Simula pa lang tinetest mo na ako pero alam ko talaga na ibabalik mo ito”. Nakita ko sa mga mata ng mga brothers na nabalik na yung pagasa sa kanila. Nung makarating na kami sa PEL, dumiretso kami sa kwarto. Pero nagtanong kaagad sila kuya Kevin kung bakit kami bumalik. Sabi ko na hinahanap namin yung mga food stubs namin at marami yung nawawala baka naiwan lang dito sa kwarto. Ang hindi ko pala alam narinig ng isang brother from district of Novaliches ung pag-uusap namin ni kuya Kevin habang nakapila doon sa jeep, lumapit siya sa amin at sabi niya, “Bro, may nakita kaming food stubs kagabi, mga 20-plus yun, binigay namin sa sounds booth.” Nung makumpirma namin yung dami ng nakita nila sa dami ng nawawala, talagang nagpasalamat kami sa Panginoon nung umaga na yun.

leo

Sobrang galing ni Lord, nasubok kami and we didn’t falter we stood on our faith, natutunan ko na this YFL Con [kailangang] ilagay si Lord sa sentro ng buhay mo. Magtiwala ka sa kanya at siya ang gagabay sa iyo. Na-enjoy ko ang mga talks, booths, and games. Truly, yung talk ni kuya Cocoi na Catch Fire teaches me that when faith is challenged, faith will prevail. Hindi ko lang siya narinig nung gabi na yun, na-experience ko na siya nung umaga pa lang. Marami pa akong pwedeng mai-share [about] YFL Con but this one experience is the greatest. Sa weekend na ito di lang ako yung nabago, di lang ako ang tinatrabaho ni Lord ng personalan, nakita ko sa mga worship sa YFL Con na lahat ng tao na nandoon ay tinatrabaho ni Lord ng mabuti. Nakita ko na di lang ako yung binabago nya kundi 2000-plus na kabataan ang binabago niya, minamahal niya at nagaalab ang mga puso. At ngayon ay handing-handa nang ikalat ang pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao. Sa lahat ng conference, events, and activities ng YFL, this one is remarkable, talagang sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos na isa ako sa nakakita, nakaramdam, at naka-experience ng life-changing event na ito. Wala nang hihigit pa sa Diyos. Sobrang galing niya at ang dakila niya sa mga buhay natin. Praise the Lord for all he has done to us! God bless!

By Leo Feliciano, District of Manila (High school-based program)

Recent Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search