In No One In Need, Sharing

Noong August 16, 2014, sumama kaming ilang members ng YFL Campus Team sa No One In Need papunta sa Tanza, Navotas. Para makapunta doon, kailangan naming sumakay sa bus, jeep, at tricycle.

Pagdating namin sa Tanza, ongoing na yung Usapang Bata (UB) assembly. Eto, ang peg nito parang Kids Assembly ng KFL. Si Kuya VL yung naglelead. Pinapa-settle down niya yung mga bata pagkatapos sumayaw ng Every Move I Make. Maya-maya pinapunta kami ni Ate Ayana sa harap para i-lead yung mga bata sa larong Simon Says. Masayang-masaya yung mga bata sa laro at napaka-hyper nila. Pagkatapos, sumayaw ulit kami ng Every Move I Make. Abot tenga ang ngiti ng mga bata.Naglaro rin ng Baboy Bahay Bagyo. Takbuhan pa rin yung mga bata at masayang-masaya sa laro. Pina-settle down ulit yung mga bata kasi magbibigay ng short talk si Kuya VL tungkol sa kabaitan. Tinanong niya sa mga bata kung ano yung mga paraan para maging mabait na bata at sumagot naman sila. May kasunod na activity na ginawa at si Ivan yung naglead. Nakabilog yung bata at may pinapasang bola sa isang direksyon habang may panyo na papunta sa kabilang direksyon. Pag tumigil yung music, yung bata na may hawak nung bola at yung bata na may hawak nung panyo ay pupunta sa gitna. Kailangan magsabi nung may hawak ng bola ng maganda o mabait na salita tungkol sa may hawak nung panyo. Ilang beses to inulit pero nauwi na lang din sa takbuhan at batuhan ng bola. Pagkatapos nung laro, kainan na! Bago kumain, nag-closing prayer at nag-bless the food yung mga bata. Umuwi na rin yung ibang bata, pero may ilan na nag-stay dun sa assembly area. Nakipaglaro yung mga bata samin, lalo na yung mga brothers. May time din na nakipaglaro kami sa ibang bata ng basketball.

 

Tanza (37)

 

Tuluy-tuloy ang mga pangyayari. After ng Usapang Bata at lunch break, nag-start na yung Usapang Kabataan (UK) assembly. This time, yung ilang youth naman from Tanza yung mga kasama namin. Eto naman, ang peg nito parang Chapter Assembly sa YFL. Nagturo kami ni Gail ng By Your Side sa kanila. Nag-opening prayer si Kevin Mamigo. Kasunod nun, naglaro kami ng Evolution Game at Sunduan para mas makilala naming ang isa’t isa. Nag-settle down na after naming maglaro at diretso sa short session na binigay naman ni Kuya Jerald. Yung session, parang Talk 1 ng youth camp. Ang pinag-usapan namin ay yung mga plano ni Lord para satin. Na maganda yung plano ni Lord para sa bawat isa satin. Na mahal na mahal Niya tayo. Natapos din sa dasal yung assembly at nagkaroon ng onting fellowship. Yung iba samin, nakipaglaro ulit ng basketball. Ito naman, lumaban naman kami sa mga hindi na bata. Well fought ang laban pero talo sa dulo. Okay lang naman. Umuwi kaming pagod, pero masaya at mainit ang mga puso.

Maganda siguro na i-point out na hindi naman KFL o YFL yung mga bata at youth dun. May isang YFL na taga-dun mismo pero hindi lahat YFL. Ang ginawa lang naming, mas pinakilala lang si Lord sa kanila. Pero sa totoo lang, hindi ko na-feel na hindi sila KFL o YFL. For me, parang mga KFL at YFL sila na first time pumunta sa isang assembly after yung Kids Camp or Youth Camp nila. Nahihiya pa ng onti, pero once nakilala mo sila parang may connection na kayo. Iba talaga. Naniniwala ako na connected kaming lahat dahil kay Lord. Mahal na mahal Niya tayo eh. Pano ba tayong hindi magiging connected sa isa’t isa kung hindi dahil kay Lord?

 

Tanza (52)

 

Hindi rin naman ako naging ready sa mga nangyari. Akala ko simpleng laro lang yung mangyayari kasama yung mga bata after nung UB assembly. Kala ko chill lang. Mali pala ako. Nung una, sinugod ng mga bata si Ivan. Sumasabit sila sa arms ni Ivan. Yung iba tumatalon pa sa likod niya. Nung pagod na si Ivan, tinuro niya lang si Gab sumugod din yung mga bata kay Gab. Pagkatapos, tinuro ako ni Gab. Sugod din mga bata sakin. Hirap din pala. Sabay-sabay lahat. Tinatry ko silang buhatin lahat. At the same time, tinatry ko rin hindi mahulog at madaganan sila. May isang bata na ang sabi sakin andami raw naming anak. Natawa ako. Nung di ko na kaya, tinuro ko si Kevin Mamigo para siya naman yung sugurin ng mga bata. Di ko namalayan na ang hapdi ng batok ko hanggang sa taas na part ng likod ko. Yun pala nagkakalmot ako. Di ko alam kung kanino galing pero alam ko nangyari nung time na tumatalon sa likod ko yung mga bata. Nung pauwi na kami, pareho kami ni Ivan na masakit yung mga braso at unti-unting nagkakapasa. Pero okay lang din. Nakita ko yung ngiti ng mga bata. Wala naman kasing requirements para mapasaya mo sila. You just have to be there. Yung mere presence mo sa mga buhay nila is enough to bring smiles to their faces. And that alone, being able to bring a smile to someone’s face, made everything worth it. Lahat ng pagod, lahat ng pasa at kalmot. Bale wala yun kasi I was able to share God’s love with these kids. Same goes for the youth. Just giving our time and allowing to share our talent with them, yung ngiti rin nila is enough of a reward.

 

Tanza (38)

 

Ako rin yung tipong tao na ayaw matalo, lalo na sa basketball. Medyo nabadtrip ako kasi natalo kami sa laro naming. Pero umuwi pa rin akong masaya. Natalo man ako sa basketball, panalong-panalo naman ako kasi mahal ako ni Lord at binigyan Niya ako ng pagkakataon para ibahagi yung pagmamahal na yun sa ibang tao. The Lord loves me so much, and there is no other response but to love Him and those around me in return. Hindi na kailangan mag-drama sa mga defeats natin. Tumingin lang tayo sa mga victories sa buhay natin, yung mga times na gumalaw at nagpakitang-gilas si Lord sa mga buhat natin. Makikita natin kung gaano tayo binless ni Lord at kung gaano tayo kamahal ni Lord.

It was truly a blessing to go to Tanza, Navotas. Kung para sa mga bata at youth dun naging blessing kami sa mga buhay nila, sila rin ay naging blessing sa mga buhay namin. Kung sila nakita nila si Lord samin, kami rin nakita rin namin si Lord sa kanila. I thank the Lord for the opportunity to be a blessing to others and an instrument of His love. Simple lang ang buhay. Masaya ang ganitong buhay.

He, alone, is enough.

 

Tanza (61)

 

Shared by Chris Deatras
Campus Area Servant (Ortigas-Katipunan-Cubao)

Recommended Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search