In Sharing

Hindi lang radikal, RADIKAL NA RADIKAL. Nakakakilabot at nakakatunaw ng puso lahat nang nangyari nung nakaraang WYC sa Baguio. Praise God dahil kakaibang experience na naman ang naramdaman ng bawat YFL sa nagdaang tatlong araw. Yung mga bagay na hindi inaasahang mangyari pero hanggang huli, si Lord pa din ang nanguna sa lahat. Yung feeling na sobrang saya dahil muli, nakapaglingkod na naman ako sa Kanya sa paraang mahal na mahal kong gawin. Nakakakilabot kasi ramdam kong pinatawad Niya ko sa mga pagkakamali ko. Nasabi ko nga sa sarili ko na, hindi Niya ako hahayaang sumayaw sa stage at makita ng maraming YFL kung hindi Niya pa ako napapatawad. At sinabi sa akin ni Lord na mahal na mahal Niya ako kaya mas ma-ADIK pa akong gamitin ang talento ko na nanggaling Sakanya. It was always a privilege to dance for Him. Kahit hindi ako yung pinakamagaling sumayaw sa buong mundo, pinili pa rin niya ako.

 

jem1

 

Sobrang blessed lang talaga kung iisipin na isa ako sa parte ng katawan ni Lord para makita Siya ng sobrang daming YFL sa Baguio. Pero sa totoo lang, during nung 2nd day, medyo nalungkot ako dahil sa biglang pag ulan. Hindi inaasahan na uulan ng ganun kalakas sa Baguio. Pero ang masayang part dun, walang sinuman ang sumuko at lahat talaga ay nagtiwala na mawawala ang ulan. And Yes! MapapaPraise the Lord ka nalang dahil sa nangyari. During worship nung oras na yun, nakangiti lang ako at tinitigan din yung ibang mga YFL na nasa bleachers. Ramdam ko na sobrang saya din nila dahil sa nakikita nilang maliwanang na langit. Walang ibang dahilan para hindi magtiwala sa RADIKAL na pagmamahal ni Lord. Tunay lang na hinding hindi Niya tayo pababayaan kahit ano mang pagsubok ang dadaan sa harapan natin. Who do we fight for!! God! 🙂 <3

 

jem2

 

Shared by Jem Celiz, District of Antipolo

Recommended Posts

Leave a Comment

Contact Us

We're not around right now. But you can send us an email and we'll get back to you, asap.

Not readable? Change text. captcha txt

Start typing and press Enter to search